Eugene Domingo gusto makatrabaho ang ilang young stars ng GMA: "I love them, I like their energy"

Sinabi ng award-winning actress na si Eugene Domingo na gustong-gusto niya na makatrabaho ang mga batang artista ngayon partikular na ang young stars ng GMA dahil sa happy and positive energy na ibinibigay ng mga ito.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang nag-guest si Eugene kung saan nagkumustuhan sila ng kaibigan at batikang TV host na si Boy Abunda.
Bukod sa kaniyang pagsisimula sa teatro at buhay pag-ibig, tinanong ni Boy si Eugene kung ano ang masasabi niya sa mga kabataang artista ngayon.
Sagot naman ni Eugene, “I love them especially the young stars of GMA now, I work with them on All-Out Sundays, kaya gustung-gusto ko because I like their energy, I like their vibe and I look at them, and I see that they are really hoping to make it.
“Gusto ko 'yung nakukuha ko 'yung ganung energy, mas gusto ko 'yun kaysa makasama ko 'yung parang jaded na,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Eugene, natutuwa rin siya sa pagiging matalino at adventurous ng mga batang artista ngayon pagdating sa kanilang trabaho.
Aniya, “I like it that now, the young stars are more intelligent, hindi sila makuntento na ito lang ang ginagawa nila, gusto nilang makita sa iba't iba kasi stiff ang competition 'di ba, they're popular now and next week no more.”
Sa ngayon ay napapanood si Eugene kasama iba pang Sparkle stars sa comedy segment ng variety show na All-Out Sundays.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG KAPUSO CHARACTERS NI EUGENE DOMINGO SA GALLERY NA ITO:












