News

Ex-child star CJ Ramos, pinagsisisihan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot

GMA Logo cj ramos
Source: Toni Talks (Toni Gonzaga Studio YT channel)

Photo Inside Page


Photos

cj ramos



Wake up call para sa dating child actor na si CJ Ramos ang pagkakakulong niya noon dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Sa edad na 20, unang niyang nasubukang magbisyo at kalaunan ay nalulong din dito.

"Naadik na 'ko sa first time pa lang," pag-amin ni CJ sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa YouTube series nitong Toni Talks.

"No'ng first time ko, 'di ko pa alam kung anong tama. Ano 'to? Parang wala lang din naman. Sinubukan ko ulit hanggan sa ayun na... ang hirap na lumabas."

Nahirapan siyang kumawala rito dahil hinayaan niya ang kanyang sarili na mahulog sa ilegal na droga.

Aniya, "Mag-iiba na yung mundo mo. Kumbaga, yung mga dating nakakasama mo na 'di naman nagbibisyo, 'di mo na nakakasama ngayon. Magso-solo na ka n'yan kasi 'di mo na nakakasama yung tropa mo na iba na malinis, e. Siyempre, ayaw mo malaman nila na nagga-gano'n ka.

"Sa pagtagal-tagal na, mahahalata na yan ng mga tao na naggagano'n ka. So, ang gagawin mo, maghahanap ka ng mga kaibigan na gumagamit din. So, kapag nakahanap ka na mga kaibigan mo na naggaganon din, lalalim ka na. Mamaya't maya ka na maggaganyan."

Dahil naging mailap ang projects sa kanya, inamin ni CJ nakagagawa siya ng mali para matustusan ang kanyang bisyo.

"Nagnanakaw na rin ako no'n [kina] mama at papa para makaganon nga. 'Tapos, sumasama ako sa mga taong may pera kasi yung may pera kaya nila bumili, so ayun dumidkit na 'ko sa mga ganon. Nakakagawa ka na nang masama 'di mo na alam. Pati pamilya mo, matatabla mo na. Makakapag sinungaling ka, lahat talaga gagawin mo para makapagbisyo ka."

Related gallery: Celebrities na nasangkot sa ilegal na droga

Noong 2018, isa si CJ sa mga naaresto nang magkaroon ng buy-bust operation sa Quezon City matapos siyang mahulihan ng shabu.

Pagbabalik-tanaw niya, "Nakatira ako noon nang konti... Actually, nag-apply pala ako no'n, day before no'n, kaso di ako natanggap kasi siguro kulang sa kaalaman. Siguro malungkot ako non kaya tumira ako ulit. Eh, gabi na yun, nahuli ako."

Kung kailan napag-isipan ni CJ na tumigil sa pagbibisyo, noon pa siya nahuli kaya labis niya itong pinagsisisihan.

"Nong mga panahon na yun, gusto ko na rin magbago kasi trial and error. Parang magbabago, 'di kaya. Gusto magbago, 'di kaya. Kailan ba ako magbabago? Gusto ko magbago, 'di pa rin kaya. May panahong madudulas ka talaga, e. 'Pag nadulas ka, ano na namang mangyayari? Nagpatukso na naman ako."

Ayaw na raw niyang maranasan ulit ang makulong dahil sa karanasan niya sa loob.

"Yung isang araw mo don, parang isang linggo ganon. Yung kabog ng dibdib mo, 'di mawawala. Yung lungkot, yung inip kasi di naman po tayo sanay sa ganon. Sanay tayo sa malambot na hinihigaan sa kama tapos may electric fan, may TV."

Pag-amin pa ni CJ, nagbalak siyang tumakas pero "guwardyadong-guwardyado po talaga."

Nabalita noon ang pagkakakulong ni CJ, bagay na ikinahiya niya. Gayunpaman, nanatili ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Matapos ang ilang araw sa piitan, nakalaya si CJ matapos makapagpiyansa.

"Sabi ko na lang sa sarili ko non, Lord kayo na po ang bahala kasi ganun naman ako parati kapag binibigyan tayo ng challenge ni Lord kasi alam ko 'di tayo pababayaan non. Kahit ano pa yan, 'di mawawala yung faith ko. Siya talaga yung sandalan ko."

NARITO ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGBAGONG BUHAY MATAPOS ANG KANILANG DRUG ADDICTION:


CJ Ramos
Buy-bust
Meryll Soriano
Rebel
1987
John Regala
Hero Bautista
Rehab
Mark Anthony Fernandez
Drugs
Janice Jurado
Sexy star
Super Tekla
Wowowin

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds flood-resistant school building in Camarines Sur
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?