Ex-child star na si BJ Forbes, lumalaban sa buhay para sa anak na may cerebral palsy

Hindi naging madali ang buhay para sa dating child star na si BJ Forbes, o mas kilala bilang Tolits. Sumikat siya noon bilang child actor at madalas na napapanood sa mga drama kabilang na rito ang Mulawin, Etheria, at Fantastikids.
Nadiskubre si BJ sa showbiz nang sumali ito sa "That's My Boy" contest ng Eat Bulaga noong 2003 at napasama sa commercial. Limang taon lamang siya noon at sa edad ding ito nagsimula siyang maging breadwinner ng pamilya.
Sa kabila ng pagiging bibo at masiyahin sa harap ng telebisyon, ang hindi alam ng marami ay may mabigat siyang pinagdadaanan sa kanyang pamilya.
"Iyon po 'yung dahilan kung bakit ako lumayo sa showbiz. Noong hindi ko kayang humarap nang maging okay sa harap ng kamera," kuwento ni BJ sa interview kay Kara David para sa i-Listen.
Alamin dito ang naging buhay ng dating child star na si BJ Forbes at kumusta na nga ba siya ngayon bilang isang ama sa anak na may special needs.










