Ex-PBB housemate Joj Agpangan is now engaged

Isang big announcement ang ibinahagi ni Joj Agpangan sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang latest post, inilahad ni Joj na siya ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Sulat niya sa caption, “Colossians 3:14… He put a ring on it! From Tita Joj to Wifey Joj.”
“Forever starts now with you, Danny… I feel so blessed to have a man who loves so deeply and fully. My soulmate, I love you so much,” dagdag pa niya.
Mababasa sa comments section nito ang congratulatory messages ng ilang celebrities gaya na lang nina Melai Cantiveros-Francisco at Danica Sotto-Pingris.
Bukod sa post, isang vlog din ang in-upload niya kung saan tampok ang mga nangyari sa sorpresang natanggap niya mula sa kanyang partner na si Danny.
Samantala, si Joj ay ang identical twin sister ni Jai Agpangan at sila ay parehong kilala ngayon bilang artists at social media influencers.
Sina Joj and Jai ay dating housemates sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.
RELATED CONTENT: Celebrity engagements









