Laurice Guillen, Gina Alajar, nagkuwento tungkol sa 'Asawa Ng Asawa Ko'

Sina Laurice Guillen at Gina Alajar ang pinakabagong guests ni Tito Boy Abunda sa kanyang GMA show na 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Sina Laurice at Gina ay parehas na kilala sa entertainment industry bilang mga batikang aktres at direktor.
Nagkasama at naging magkatrabaho sila noon para sa pelikulang Salome.
Ngayong 2024, magkakasama naman sina Laurice at Gina sa pagbuo ng upcoming GMA romance drama series na 'Asawa Ng Asawa Ko.'
Silipin ang ilang naging pangyayari at detalye sa naging panayam ni Tito Boy Abunda kina Laurice at Gina sa gallery na ito.









