Fast Talk with Boy Abunda

Gee Canlas, kinumpirmang hiwalay na kay Archie Alemania

GMA Logo Celebrity couples
Source: geecanlas (IG) | archiealemania (IG)

Photo Inside Page


Photos

Celebrity couples



Kinumpirma ni Gee Canlas na hiwalay na siya sa aktor at asawa niyang si Archie Alemania.

Matatandaan na noong February 2026, ginulat ni Gee ang marami nang magbahagi siya ng “REBIRTHday post” kung saan binanggit niyang pinipili niya ang sarili, at ibinahaging isa na siyang solo parent.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 3, diretsong tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung hiwalay na nga ba si Gee sa asawa nitong si Archie.

Sagot ng House of Lies actress, “Yes po.”

Ayon sa kay Gee, hindi naging madali ang desisyon para sa kaniya.

“It's not something na parang on a whim, ginawa na lang or nag-decide na lang ng ganu'n. I made sure that I was at a point in my life na I was weighing already what matters most in my life kaya tayo nandito ngayon,” sabi ni Gee.

Inamin din ng aktres na “very hard” ang para sa kaniya ang ginawang desisyon, lalo na at isa sa mga pangarap niya ay magkaroon ng pamilya.

“For me to weigh [in] on that—na move forward and put an end to that—is something that I'm still processing until today,” sabi ni Gee.

May pagkakataon pa raw na ipinagdasal ng aktres ang tungkol sa relasyon nila ni Archie.

May isang pagkakataon na kinausap niya ang Panginoon, "I didn't know how to process. So, I parked myself in front of a laundrymat, I had my phone, I talked to the phone na parang kausap ko si God. Sabi ko, 'Lord, ano ba 'to, ba't ganu'n ang nangyayari?' Feeling ko nababaliw na 'ko kasi what's happening, hindi ko siya ma-grasp talaga."

Hiniling din daw niya sa Panginoon na baguhin ang mga nangyayari sa kanilang mag-asawa noong mga panahon na iyon. Ngunit sa huli, sumuko na siya at umalis na lang sila ng anak na si Caleb.

BALIKAN ANG ANNIVERSARY PHOTO SHOOT NINA GEE AT ARCHIE SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw naman ni Gee na hindi lang dahil sa kaso na kinasangkutan ni Archie at Rita Daniela kaya siya nakipaghiwalay.

“Over time, nag-accumulate 'yung mga bagay-bagay. So, it's a lot of pieces that eventually caused the demise of our marriage,” sabi ng aktres.

Sa katunayan, habang nagaganap ang kaso laban kay Archie, nakasuporta pa rin siya sa aktor at sa kanilang pamilya at pilit na ipinaglalaban ito.

“Ang sa 'kin is, 'Okay, how do I save my family? How do I come through for my child?' So, the whole time that was happening, I lay low, kept my head down, and just zeroed in on my family,” sabi ni Gee.

Nang tanungin si Gee tungkol sa annulment, inamin ng aktres na hindi pa ito ang priority niya ngayon. Sa halip, inuuna raw niyang mabigyan ng magandang background ang anak na si Caleb.

Samantala, narito ang ilan pang celebrity couples na nauwi sa hiwalayan:


Derrick and Kathleen Joy Paton
Manilyn & Keempee
Boy 2 & Rufa Mae
Troy Montero and Nikki Valdez
Solenn Heussaff and Derek Ramsay
Diego & Sofia
Jake Cuenca and Lovi Poe
Enrique Gil and Coleen Garcia
Carla Abellana and JC Intal
James Reid and Ericka Villongco
Megan Young and Nico Salva
Rachelle Ann Go and Gab Valenciano
JC De Vera and Michelle Madrigal
Rocco Nacino and Sheena Halili
Oyo Boy Sotto and Nadine Samonte
Oyo Boy Sotto and Angel Locsin
Richard Gutierrez and Jewel Mische
Gerald Anderson and Bea Alonzo
Benjamin Alves and Pia Wurtzbach
Jake Cuenca and Jessy Mendiola
Xian Lim and Erich Gonzales
Christian Bautista and Carla Dunareanu
Marvin Agustin and Pauleen Luna
Rhian Ramos and KC Montero
Bianca Manalo and John Prats
Rachelle Ann Go and Christian Bautista
Keempee de Leon and Ara Mina
JaDine
Pia and Marlon
Sharon Cuneta at Gabby Concepcion
Dina Bonnevie at Vic Sotto
Maricel Soriano at Edu Manzano
More Galleries

Around GMA

Around GMA

NBI investigates 18-ex Marines’ credibility, cash delivery allegations
Congressman Bong Suntay addresses backlash over viral remark on Anne Curtis
1 hurt in grenade attack in Basilan