Get to know 'Abot-Kamay Na Pangarap' actor Marx Topacio

Isa si Marx Topacio sa mga aktor na napapanood sa hit GMA medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Si Marx ay kilala ng viewers sa serye bilang si Dax.
Si Dax ay naging tauhan noon ni Moira (Pinky Amador) para iligpit si Lolo Pepe (Leo Martinez).
Sa kasalukuyan, kilala si Dax sa serye bilang ka-love team ni Kazel Kinouchi, na napapanood naman sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' bilang si Doc Zoey.
Bukod sa pagiging aktor, ano pa kaya ang pinagkakaabalahan ni Marx? Kilalanin siya sa gallery na ito.









