Get to know 'Bida Next' contestant and vlogger-actor Kimpoy Feliciano

Isa sa maituturing na OG content creator sa Pilipinas ay ang vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano na ngayon ay nasa mahigit 10 taon nang YouTuber.
Kahit naka-base na ang pamilya ni Kimpoy sa New Zealand, pinili pa rin niya na umuwi ng Pilipinas upang subukang pasukin ang mundo ng pag-aartista.
Hindi naman nabigo si Kimpoy dahil naging parte na siya ng iba't ibang programa sa GMA.
Ngayon, nais namang tuparin ni Kimpoy ang kaniyang pangarap na maging isang noontime show host kung kaya't sumali siya sa segment ng 'Eat Bulaga' na "Bida Next."
Kilalanin pa si Kimpoy sa gallery na ito.














