Encantadia Chronicles: Sang'gre
Glaiza De Castro signs off as Pirena; nagpasalamat sa Encantadiks: 'Sa inyo ang korona'

Nagpapaalam na ang Nation's Ashti na si Sang'gre Pirena.
Sa pagtatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, ipinarating ni Glaiza De Castro ang tagos sa pusong pasasalamat na muling nagampanan ang iconic character na si Sang'gre Pirena at sa pagkakataong nabigyan ito ng magandang redemption.
Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga taong nakatrabaho sa Sang'gre--sa mga bago at lumang karakter, maging sa kinalakihan na ang Encantadia mula pa noong 2005.








