'Green Bones' sa Netflix, pinusuan online!

Bumuhos agad ang pagmamahal at mga positibong reaksyon sa pagbabalik ng inspirational-drama film na Green Bones.
Matapos nitong magbigay ng inspirasyon sa mga sinehan, mapapanood na ngayon ang award-winning movie sa digital streaming platform na Netflix!
Unang araw pa lang nito rito, umani ng agad ng mga papuri ang pelikula at umakyat pa sa trending list sa iba't ibang social media platforms.
Kaagad nanguna rin ang Green Bones sa listahan ng Netflix Top 10 movies sa Pilipinas.
Maraming fans ang muling nanuod at hindi napigilang maluha sa nakakaantig nitong kuwento. Pinuri rin ng netizens ang napakagandang cinematography at ang husay ng award-winning cast na pinangungunahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Ang Green Bones ay ang 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Picture winner na nilikha ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, katuwang ang Brightburn Entertainment.
Sa direksyon ni Zig Dulay, isinulat ito nina Ricky Lee at Angeli “Anj” Atienza batay sa orihinal na konsepto ni JC Rubio.
Bukod sa Best Picture, nakatanggap din ng iba pang parangal ang pelikula kagaya ng Best Actor (Dennis Trillo), Best Supporting Actor (Ruru Madrid), Best Child Performer (Sienna Stevens), Best Screenplay (Ricky Lee and Angeli Atienza), at Best Cinematography (Neil Daza).
Samantala, silipin ang ilan sa mga reaksyon ng fans na napanood na ang Green Bones sa Netflix:




