Herlene Budol, hindi ikinahihiya na galing siya sa hirap

Binalikan ni Herlene Budol ang buhay na nakagisnan niya noon sa pagdiriwang ng kaniyang ika-24 na kaarawan.
Hindi ikinahihiya ng Magandang Dilag lead star na galing siya sa hirap, base sa kaniyang Instagram post ngayong August 23.
Nag-photoshoot si Herlene bilang beauty queen sa tila isang barong-barong sa isang squatter area, habang suot ang kaniyang korona at long gown.
"Ang sarap balik-balikan ang buhay kung saan ka nagsimula," panimula ng aktres.
Dugtong niya, "I am beyond grateful for those people who help (sic) me to grow and to become who I am today.
"Thank you Lord it's my birthday."
Noon pa man ay vocal si Herlene tungkol sa kaniyang naranasang hirap.
Bilang breadwinner ng pamilya, iba't ibang klaseng trabaho ang kaniyang pinasok para matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya gaya ng pagiging ekstra, ayon sa panayam ng GMANetwork.com sa actress-beauty queen para sa Kapuso Profiles.
“Madami po akong naging trabaho, basta sa limang araw, lima 'yung trabaho ko. Una no'n, sa golf course, munisipyo ng Angono. Marami na 'kong na-experience na trabaho,” pagbabalik-tanaw niya. “Unang sahod ko no'n, pumapalag ako no'n dati one hundred pesos per day, P3,000 monthly. Sa isang buwan naman, hindi lang po 'yun 'yung sinasahod ko, may mga sideline pa para makapagbayad po ako sa eskwelahan.
Naging self-supporting din si Herlene noong nag-aaral siya sa kolehiyo.
“No'ng college na 'ko, kailangan ko na po pag-aralin 'yung sarilli ko. Hindi na lang po ako nanghingi kasi feeling ko masyado na 'kong pabigat kaya kumikilos na lang po ako nang sarili ko na hindi na nila 'ko iisipin kung anong babaunin ko, anong kakainin ko. Minsan sinesuwerte, may ulam. Kung wala, e 'di wala.”
Basahin ang kabuuan dito.






























