Herlene Budol, naglabas ng 'Kain Tayo' poster bago ang upcoming music video

Handang-handa na si Herlene Budol para sa upcoming release ng kanyang single, "Kain Tayo," na magkakaroon din ng music video.
Noong Lunes (January 15), naglabas ang aktres ng "Kain Tayo" poster kung saan iba't ibang klase ng fast foods ang nasa harapan niya.
"Lunch break na po! Oras na po ng lafang to the highest level sa buffet, Chi-cha tayo para busolve, [syempre hindi] mawawala ang (BUDOL) Boodle fight mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan. Tara mag mukbangan na!" sulat ng aktres.
Ibinahagi rin ni Herlene ang excitement para sa music video ng "Kain Tayo" at aniya, "nakaka-LSS at tiyak na tatangkilikin mula bata at pangkalahatan" ang single niyang ito.
Nagpasalamat din ang aktres para sa bagong blessings at mga paparating pang proyekto.
Matatandaan na noong nakaraang Disyembre, ipinasilip ng aktres ang ginagawag voice lesson para sa upcoming single niyang "Kain Tayo."
Take a look at some of her sizzling bikini photos that will inspire you to be fit.



















