Herlene Budol sa kontrobersya na hinarap noong 2023: "Bugbog na bugbog na ko"

GMA Logo herlene budol bikini photos
Source: herlene_budol/IG

Photo Inside Page


Photos

herlene budol bikini photos



Matapos ang nagdaang holidays ay balik-taping na para sa Black Rider ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol.

Sa interview ni Herlene kay Nelson Canlas sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras noong January 4, ibinahagi niyang marami siyang natutunan sa pagtatapos ng taon.

“Sa 2023, siguro isa sa mga natutunan ko, hindi araw-araw Pasko. Kailangan meron talagang thrill na mapapasigaw ka, mapapamura ka with taas kamay,” sabi ni Herlene.

Inilarawan din niya ang naranasan niya noong nakaraang taon na tila isang roller coaster kung saan “hindi palaging masaya, kailangan may takot at may kaba.” Inamin din ng actress/beauty queen na nasaktan siya sa mga naging komento laban sa kaniya.

“Bugbog na bugbog na nga ho ako. Tortured na tortured na nga po ako sa mga basher. Pero paulit-ulit ko pong sinasabi na hindi mo naman talaga mapi-please lahat,” sabi ni Herlene.

Sinabi rin niya na dahil hindi naman siya maiintindihan ng lahat, mas pipiliin na lang niya ang mga taong nakaka-intindi at nariyan para sa kaniya. Binahagi rin ni Herlene na matapos ang mga naranasan sa nakaraang taon ay lalo siyang naging mas matatag para harapin ang buhay.

“The more na talagang ganun 'yung nangyayari, mas lalo akong nanggigigil na mas galingan pa sa buhay dahil alam kong may umaasa sa aking pamilya ko,” sabi niya.

RELATED FEATURE: HERLENE BUDOL IN KAPUSO PROFILES

Kamakailan lang ay kumalat ang screenshots ng pribadong messages nila ni Rob, pati na rin ang messages sa pagitan ng aktor at ng co-actress nilang si Bianca Manalo.

Sa hiwalay na pahayag, nilinaw naman ni Bianca na magkaibigan lang sila ni Rob, at sinabing parte ng kanilang pag-uusap ay binura o hindi sinama para mag-iba ang dating.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations,” sabi nito.

Panoorin ang interview ni Herlene dito:

LOOK: Herlene Budol sizzles in these hot photos


Body
Curves
Tropical
Sand
Miss Grand Philippines 2023
Beach babe
Bosom
Palawan
Kayak
Pool
Bandana
Jet ski
mile
Flawless skin
Confidence
Denim Girl
December
Queen
'Black Rider'
Red

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!