Hula Who: Boy Abunda, sinagot ang tanong na 'Sinong aktor na pinagnanasaan mo?'

GMA Logo hula who boy abunda may pinagnanasaang aktor

Photo Inside Page


Photos

hula who boy abunda may pinagnanasaang aktor



Game na game ang King of Talk na si Boy Abunda nang sagutin ang 'executive whisper' question ng Your Honor hosts na sina Tuesday Vargas at Buboy Villar nang mag-guest ang dalawang versatile comedians sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, January 8.

Tanong ni Tuesday sa batikang TV host at talent manager, "Sino ang aktor na pinagnanasaan mo?"

Mabilis naman itong sinagot ni Tito Boy na ikana-shock ng Your Honor stars.

Paliwanag niya, total package ang aktor na ito na kilala pagdating sa drama. Sa katunayan, pinarangalan ito sa katatapos lang na film festival.

Ayon kay Tito Boy, "Napakagaling...napakasexy, datingan 'yan e. I think he's one of the most brilliant."

Biro pa ng King of Talk, "'Di naman ako umaasa na maibabalik 'yung pagnanasa na 'yon."

Humirit pa si Tito Boy sa asawa ng nasabing aktor na isang artista rin. Aniya, "Ako'y nananawagan, patawarin mo sana ako sa aking mapangahas na sagot."

Samantala, sa ikalawang 'executive whisper' question para sa King of Talk, tinanong naman ni Buboy kung sino ang gusto niyang maka-love scene kina Bea Alonzo at Carla Abellana kung magiging leading man siya ng isa sa mga ito sa pagtatapos ng GMA Prime series na Widow's War.

Wala sa dalawang choices ang sagot ni Tito Boy kundi ang parehong aktor sa unang tanong ang sinabi niyang gusto niya maka-love scene.

Alamin kung sino ang tinutukoy ng TV host sa kwelang episode ng Fast Talk with Boy Abunda:

RELATED FEATURE: Tuesday and Buboy's funny pictorial for “Your Honor”:


Your Honor
Work
Session
Tuesday
Guests
December 7

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week