Hula Who: Paolo Contis, ayaw maging close sa isang artistang babae?

Mas pinipili mag-ingat ng Bubble Gang star na si Paolo Contis pagdating sa mga nakakatrabaho niya na fellow celebrity para maiwasan na magawan sila ng isyu.
Ito ang sinabi ng versatile Sparkle actor nang makapanayam siya sa Your Honor nina Tuesday Vargas at Buboy Villar nitong Sabado, January 4.
Ibinahagi ni Paolo na personal niyang desisyon na huwag masyado maging close sa opposite sex nang matanong ni Tuesday na, “Sa mga artistang babae, ang unang-una mo crucial question, ito ang kailangan mo sagutin. Sa mga artistang babae na nakasalamuha mo, hindi lang nakatrabaho mo, nakasalamuha, sino ang hindi mo kayang makipag-friends na walang malisya?
Sa halip piliin na mag-Executive Whisper sa mga House of Honorables, ipinaliwanag ni Pao, “Ito totoo ha! Hindi ako nakikipagkaibigan masyado sa mga katrabaho ko na babae. Kasi, umiiwas talaga ako.”
“Hindi ko sasabihin kung sino, kasi, nakailang times na dati like for example ang Bubble Gang every Monday [as a] cast, we used to go out after. I go home. Kasi, especially 'yung katrabaho ko , 'yung rektang katrabaho ko, ayoko talagang bahiran ng malisya. Kasi, ang hirap makatrabaho ng may malisya.
“Kumbaga may past kayo or what, nakakailang siya. Para sabihan mo na may babae na hindi ko kaya, bilang lalake there's always a risk na kapag lumalabas kayo o gumigimik kayo. Makainom kayo, there's always a risk na may mangyari eventually. So bakit mo dadalhin 'yung sarili mo dun? So, huwag mo nang dalhin.”
Ulit-ulitin ang masayang chikahan nina Tuesday at Buboy kasama ang resource person nila sa Your Honor na si Paolo Contis sa video below.
RELATED CONTENT: PAOLO CONTIS'S CAREER JOURNEY













