Family

Ian de Leon, sinagot ang mga paratang ni Lotlot de Leon: 'Stop telling lies, especially to my Dad'

GMA Logo Nora Aunor's children
Photo credit: Ian de Leon (FB)

Photo Inside Page


Photos

Nora Aunor's children



Sumagot na ang aktor na si Ian de Leon sa patuloy na umiinit na hidwaan nila ng kanyang kapatid na si Lotlot de Leon patungkol sa usaping mana simula nang pumanaw ang kanilang ina at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Sa kanyang Facebook Stories, sinagot ni Ian de Leon ang mga maanghang na tirada ni Lotlot laban sa kanya sa isang presscon tungkol sa pagpapatayo ng foundation para ipagpatuloy ang legacy ng kanilang ina.

“After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kasi baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using mom's name?" sabi ni Ian.

Ibinahagi ni Ian na sinabi niyang hindi pa siya handang ituloy ito dahil nais muna niyang ayusin ang mga legal papers na kinakailangan.

“I know the plans, and my suggestion to them is to fix the legalities first before launching it. Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration, but it's still not yet up. The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao," kuwento niya.

Dagdag pa niya, “Gusto niyo akong i-entrap during 1 event to sign something without telling right away what our dinner is all about. That's why pala you have your lawyers with you."

Sa kabila ng isyu, inamin ni Ian na patuloy pa rin ang kanilang pagpa-plano noon sa pag-aayos ng legalities at konsepto.

“I cannot just stop what I'm doing just because of the issues, and why am I going to include a person who refuses to cooperate?" saad niya.

Sinagot din ng aktor ang paratang na hindi niya raw sinabi sa mga magkakapatid ang tungkol dito.

“He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting ng dalawang beses sila umattend? Wala na din yung during 40 days na nag-decline ka?" pahayag niya.

"At sinungaling din ba si Tita T. na tinawagan ka to join us pero sabi mo, no kasi work ka pa naman at inuna kasi akong kinausap? Why? Is it because it was me? Why?" dagdag niya.

Nag-react din si Ian de Leon sa paratang na nais daw niyang pabagsakin ang kanyang mga kapatid.

“Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?" sagot niya.

Pinagsabihan din ni Ian si Lotlot na tumigil na sa umano'y pagsisinungaling.

"You stop telling lies, especially to my dad," sabi niya.

Sa kabila ng kanilang kaguluhan, ibinahagi rin ni Ian na itinuring niya si Lotlot bilang tunay na kapatid.

Nilinaw din ng aktor na napag-usapan na nila ang hatian ng mana at magiging pantay-pantay silang magkakapatid dito.

"After the state funeral, when 5 of us are talking, I was clear that I told you guys na tulong tulong tayong lima dito at maging transparent sa isa't isa, and everything will take time, and everything will be equally divided, pero ang pinalabas is madamot ako. Why?" pahayag niya.

Dagdag pa niya, “Sino ang may inaagaw? I didn't say na may inaagaw kayo. Why say that? To put me down?”

RELATED CONTENT: Kilalanin dito ang mga kilalang anak ni Nora Aunor dito:


Nora's children
National Artist
Lotlot de leon
Parents
The Write One
Ian de Leon
 Awards
Lolong
Matet de Leon
Child star
Tampuhan
Kiko Villamayor
Movies
Kenneth Villamayor
Private

Around GMA

Around GMA

Search extended for missing hiker at Mount Kalatungan in Bukidnon
Alex Eala to face Linda Noskova in Berlin Open semifinals after win with world no. 8 Elina Svitolina
The Father Who Never Leaves