TINGNAN: Mga anak-anakan ni Aiai Delas Alas sa showbiz

Higit na nakilala ang komedyanteng si Aiai Delas Alas dahil sa kanyang nakakaaliw na pagganap bilang si Ina Montecillo sa pelikulang 'Ang Tanging Ina' ng Star Cinema na ipinalabas noong 2003.
Dito ay mayroon siyang sampung anak na ginampanan nina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio, at Yuuki Kadooka.
Naging blockbuster hit ang pelikula kaya naman nasundan pa ito ng dalawang installment na pinamagatang 'Ang Tanging Ina N'yong Lahat' (2008) at 'Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To!)' (2010).
Dahil sa kanyang epektibong pagganap, madalas nang lumabas bilang nanay si Aiai sa big screen man o sa telebisyon mula noon.
Sa katunayan, hindi nahihinto ang pagiging nanay ng aktres sa kanyang mga anak-anakan on-screen dahil napamahal na rin siya sa mga ito.
Narito ang ilang artistang itinuring na anak ni Aiai sa showbiz:











