IN PHOTOS: Basel Manadil, ang jowable Adopted Son of the Philippines from Syria

Si Basel Manadil, na mas kilala sa bansag na The Hungry Syrain Wanderer, ay isa sa pinakasikat na foreign vloggers sa bansa.
Ayon kay Basel nagsimula siyang kumuha ng videos ng kanyang pamamalagi rito sa Pilipinas para ipadala sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa.
Kinalaunan ay tuluyan na siyang nag-vlog tungkol sa mga iba't ibang lugar sa Pilipinas na kanyang pinupuntahan at ipinapakita niya rin ang mga natututunan niya sa ating kultura.
Unti-unting dumami ang kanyang subscribers hanggang sa tuluyan na siyang naging isa sa mga YouTube millionaires sa Pilipinas.
May higit 4.79 million subscribers si Basel sa kanyang unang YouTube channel.
At kahit na nakilala siya sa bansag na The Hungry Syrian Wanderer, napatunayan ni Basel na siya ay tunay na may pusong Pinoy dahil sa napakaraming Pilipino na ang kanyang natulungan sa pamamagitan ng kanyang vlogs.
Sa katunayan, inanunsyo na kamakailan na opisyal na siyang isang Pilipino. Noong 2019 pa raw siya naging isang naturalized Filipino citizen, ngunit noong June 12, 2021, Araw ng Kalayaan, niya lang napili itong ikuwento.
Mas kilalanin pa ang jowable Adopted Son of the Philippines mula sa Syria, si Basel Manadil, a.k.a. The Hungry Syrian Wanderer, sa gallery na ito.









































