IN PHOTOS: Behind-the-scenes of Ang Dalawang Ikaw's pictorial

Malapit na malapit nang mapanood ang mga bagong karakter na magpapaantig sa ating mga puso araw-araw.
Iyan ang upcoming GMA drama na 'Ang Dalawang Ikaw' na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.
Ipinapakilala sa serye ang aktres na si Anna Vicente na gagananap bilang ka-love triangle nina Ken at Rita.
Sensitibo at mabigat ang kuwento ng 'Ang Dalawang Ikaw' dahil tatalakayin dito ang sakit na dissociative identity disorder o mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.
Matindi man ang mga eksena on-cam, nakabuo naman ng magandang samahan ang cast nito kung saan parte rin sina Jake Vargas, Joana Marie Tan, Dominic Rocco, Lianne Valentin, at Jeremy Sabido.
Sa gallery na ito, makikita ang ilang behind-the-scenes photos ng kanilang pictorial na patunay na #BarkadaGoals ang Team 'Ang Dalawang Ikaw!'









