Buhay ni Teacher Dan ng DanVibes, tampok sa '#MPK'

Tampok ang viral music teacher na sintunado sa episode ng real-life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Kuwento ito ni Danieca Areglado Goc-Ong o mas kilala bilang Teacher Dan ng DanVibes.
Bata pa lang si Danieca, mahilig na siyang kumanta pero sadyang hindi nabiyayaan ng magandang boses. Kaya imbis na mangarap na maging sikat na singer, sinikap niyang maging music teacher.
Natupad naman ang kanyang pangarap na maging grade school Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) teacher, pero nawalan din ng trabaho noong tumama ang COVID-19 pandemic.
Dito na siya nagsimulang mag-post ng mga sintunado pero nakakaaliw niyang music lessons.
Pero bago maging isang ganap na guro at makamit ang kanyang viral fame, marami ring pinagdaanang hirap si Danieca.
Alamin ang kanyang kuwento sa "Queen of Piyok ng Cebu: The Danieca Areglado Goc-Ong Story," ngayong Sabado, July 22, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






