IN PHOTOS: Dokumentaryong 'Ramon,' magbibigay ng pasilip sa buhay ni Ramon Revilla Sr.

Naging mahaba at makabuluhan ang buhay ng actor at politician na si Ramon Revilla Sr.
Bago siya punanaw sa edad na 93 noong June 26, 2020 dahil sa heart failure, nasubaybayan niya ang kanyang pamilya na lumaki at maging isa sa pinaka kilalang mga angkan sa bansa.
Dahil na rin sa kanyang 'di matatawarang impluwensiya, ilang sa mga miyembro nito ang pumasok din sa larangan ng showbiz at politika.
Tampok ang buhay ng tinagurang "Hari ng Agimat” ng Philippine Cinema sa dokumentaryong pinamagatang 'Ramon.'
Bilang pagbibigay-pugay sa kanang buhay, ilan sa kanyang mga kaibigan at nakatrabaho ang magbabalik-tanaw sa kanilang mga karasanan kasama siya.
Ang kanyang apong si Bryan Revilla ang nagsilbing direktor ng dokumentaryo.
Narito ang munting pasilip sa mga maaaring tunghayan sa 'Ramon.'
Panoorin ang 'Ramon,' October 25, 9:00 PM sa GMA News TV.






