IN PHOTOS: 'First Yaya' stars in a bikini showdown

Ramdam na ramdam ang tag-init dahil sa bikini showdown ng First Yaya stars!
Hindi lang ang nakakakilig na mala-fairytale romance nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion ang nagpapatuloy sa Kapuso romcom series. Tuloy-tuloy din ang pagrampa at patalbugan ng mga naggagandahang Kapuso stars na bahagi ng programa.
Matatandaang tumungong La Union ang cast members nito para sa second leg ng lock-in taping ng First Yaya. At muli nilang ipapatikim ang summer sa kanilang mga susunod na episodes.
Tampok kasi sina Sanya Lopez, Maxine Medina, Thia Thomalla, Kakai Bautista, Cai Cortez at Annalyn Barro sa mala-bikini showdown.
Excited na ba kayong mapanood ang eksenang ito? Silipin muna ang kanilang patikim dito!















