IN PHOTOS: Get to know 'The Clash 2021' winner Mariane Osabel

GMA Logo mariane osabel

Photo Inside Page


Photos

mariane osabel



Mula sa libu-libong nag-auditon, isa lang ang itinanghal na 'The Clash 2021' grand champion.

Siya ang binansagang Ultimate Siren ng Iligan na si Mariane Osabel.

Pinahanga ni Mariane ang 'The Clash' judges na sina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha sa 'Round 6: Matira Ang Pinakamatibay' kung saan nakalaban niya ang kanyang kapwa finalists.

Dito ay inawit ni Mariane ang "Listen" ng American singer na si Beyonce.

Komento ng Asia's Nightingale sa performance ng Clasher, "next artist to watch for" daw si Mariane dahil sa kanyang tono ng boses, talent, at ganda. Sa grand finals, nagsuot si Mariane ng kulay dilaw na gown na lalong nakadagdag sa kanyang star quality.

Dahil sa ipinamalas ni Mariane, napili siya bilang isa sa top two Clashers na naglaban sa final one-on-one Clash kung saan nakatunggali niya si Vilmark.

Sa huli, isa lamang ang nagwagi at ito ay si Mariane.

Mula ng pagkapanalo ni Mariane, naging regular na ito sa 'All-Out Sundays' bilang parte ng Queendom at kalaunan ay naging recording artist na rin ng GMA Music.


Noong July 2022, ni-launch ng singer ang kanyang debut single na "Pira-Piraso" sa ilalim ng GMA Music.

Patuloy ang pagningning ni Mariane bilang isang Kapuso singer, tignan ang kanyang winning moments dito:


Mariane Osabel
Education
Kontesera
Positive
Wall
Lani Misalucha
Soul
Singer-actress
Teleserye OST
Debut single

Graduation
Performance
Queendom

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit