IN PHOTOS: Kilalanin ang mga karakter ng romance drama na 'VIP'

Ang South Korean romance drama na 'VIP' ang huli at pinaka matinding pasabog ng GMA Heart of Asia ngayong 2020.
Tungkol ito sa mga buhay ng isang grupo ng mga empleyado ng Sung Un Department Store.
Sila ang VIP management team ng high-end department store na eksklusibo para sa mga mayayaman at makapangyarihang mga kliyente.
Sa likod ng tila magara nilang trabaho, may mga sikretong itinatago ang bawat isa sa kanila.
Isang misteryosong text message ang babago sa kanilang mga buhay at magigiging hudyat ng pag-ungkat sa mga bagay na pilit nilang tinatago.
Isa na namang maganda at dekalidad na K-drama ang parating sa primetime kaya huwag palamapasin 'VIP.' Malapit na itong matunghayan sa GMA Telebabad!
Samantala, kilalanin ang mga karakter na magbibigay-buhay sa kapanapanabik na kuwento ng 'VIP' sa gallery na ito.





