IN PHOTOS: Meet the cast of 'My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance'

Bibida ang mga aktor na sina Yasser Marta at Alex Diaz sa ikaapat na mini-series na handog ng romance-fantasy anthology na 'My Fantastic Pag-ibig.'
May pamagat na “Fairy Tail Romance,”, tampok dito ang istorya ng pag-iibigan ng isang sireno at isang taong-lupa.
Si Alex Diaz ang gaganap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser si Nep, ang lalaking bibighani sa puso ng una.
Kahit isang sireno si Lantis, hindi niya maipagkakailang nabighani siya kay Nep na isang mortal. Ngunit sa halip na ipagwalang-bahala ito dahil magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan, gagawin pa niya ang lahat ng makakaya para lang mapalapit sa binata.
Noong una ay kuntento lang si Lantis na mahalin sa malayo si Nep hanggang sa mabago ito mula nang mailigtas niya ang huli sa pagkalunod.
Sa pagkakasagip niyang iyon ay mas nag-alab ang nararamdaman ni Lantis para kay Nep. Ang dating tinitingnan lamang niya sa malayo ay nahawakan at nakasama na niya kahit sa saglit na panahon lamang.
Dahil sa kagustuhang mapansin ng binata ay hahanap siya ng paraan para mapalapit dito. Pero paano gayung isa siyang sireno at isang tao ang kanyang iniibig?
Mabibigyan kaya siya ng pagkakataong makapiling si Nep?
Kilalanin ang cast ng 'My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance' sa gallery na ito:











