IN PHOTOS: Meet the cast of 'Return To Paradise'

Mapapanood na ang newest Kapuso drama series na 'Return To Paradise' sa GMA Afternoon Prime.
Ito ay pinagbibidahan nina Kapuso hunk Derrick Monasterio, Sparkle star Elle Villanueva, at seasoned actress Eula Valdes.
Mapapanood din sa 'Return To Paradise' ang mga mahuhusay na aktor at aktres na sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon.
Ang istorya ng 'Return To Paradise' ay tungkol sa dalawang college students na sina Eden Sta. Maria (Elle) at Red Ramos (Derrick), na masa-stranded sa isang isla matapos ang isang trahedya.
Habang sila'y nasa isla, sina Red at Eden ay mahuhulog sa isa't isa at mabubuo ang kanilang pag-iibigan. Bukod dito, ang kuwento ng seryeng ito ay iikot din sa pagmamahal sa pamilya.
Kilalanin ang star-studded cast ng 'Return To Paradise' sa gallery na ito.









