Mga artistang laki sa lolo at lola

Karamihan sa atin ay lumaki sa piling ng ating mga magulang, at ang ilan ay suwerte na lumaki na kasama rin ang kanilang mga lolo at lola.
Ngunit mayroon ding ilan na hindi man nabigyan ng pagkakataong maalagaan o makapiling ang kanilang nanay at tatay habang lumalaki sila, ay mapalad pa rin naman dahil sila'y minahal at pinalaki ng kanilang mga lolo at lola.
Ang ilan sa kanila maagang pumanaw ang magulang, samantalang ang ilan naman ay nagkahiwalay ang nanay at tatay, o may magulang na overseas Filipino worker.
Iba't iba man ang dahilan ng kanilang pagkakawalay sa kanilang mga magulang, sila'y biniyayaan pa rin ng ekstraordinaryong pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang lolo at lola.
Kilalanin ang mga artistang lumaki sa piling ng kanilang lolo at lola sa gallery na ito.






















