Misis, gustong takasan ang drug dealer na asawa sa '#MPK'

GMA Logo Takas sa Impiyerno on MPK

Photo Inside Page


Photos

Takas sa Impiyerno on MPK



Ang isang magandang samahan, masisira ng droga sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Maayos ang pagsamama ng mag-asawang sina Diana at Albert pero masusubukan ang kanilang tibay nang magkasakit ang anak nilang si Lucas.

Dahil malaking halaga ang kailangan para maipagamot ito, magtatrabaho si Albert bilang isang drug dealer.

Hindi batid ni Diana ang bagong trabaho ni Albert pero mapapansin niya ang pagbabago sa ugali nito. Dito na kasi sisimulan ni Albert na saktan sina Diana at Lucas.

Nang malaman ni Diana na isang drug dealer si Albert, susubukan niyang lumayo dito kasama ang kanyang anak. Magtagumpay kaya si Diana na makatakas kay Albert?

Abangan 'yan sa brand new episode na "Takas sa Impiyerno," March 11, 8:00 p.m. sa #MPK.


Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Beauty Gonzalez
Lucho Ayala
Seth dela Cruz
Money
Change
Escape
Takas sa Impiyerno

Around GMA

Around GMA

Minor eruption observed at Taal Volcano's main crater — PHIVOLCS
Students in Iloilo protest choice for recognition day speaker
MURO-AMI: THE MAKING | PART 2