IN PHOTOS: Sanya Lopez at David Licauco, magtatambal sa 'Dear Uge'

Kakaibang Sanya Lopez ang mapapanood sa all-new episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang 'Shout Up' this Sunday.
Gagampanan niya ang papel ni Angie Berde, isang career woman.
Kung sweet girl si Sanya sa 'First Yaya,' dito sa 'Dear Uge' ay mayroon siyang anger issues.
Kailangan sumailalim ng masungit na bida sa isang anger management therapy dahil naaapektuhan na pati ang kanyang trabaho.
Sa kanyang therapy, makikilala niya ang gwapong si Fiel Rodriguez -- bibigyang-buhay ni David Licauco.
Mahiyain si Fiel at kabaligtaran ito ng ugali ni Angie. Gayunpaman, opposites attract, ika nga, kaya naman mafo-fall din sila sa isa't isa.
Pilit na gustong magbago ni Angie kaya lilipat siya ng tirahan for a fresh start. Pero tila masusubok ang kanyang pasensya sa bagong kapitbahay!
Ano kaya ang madidiskubre ni Angie na makakaapekto sa brewing romance nila ni Fiel?
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa 'Dear Uge,' kasama si Eugene Domingo bilang si Peace Tingyawa.
Pero bago iyan, narito ang pasilip sa episode nina Sanya at David na 'Shout Up.'









