Ipon goals: Mga naipundar ni Christian Antolin bilang content creator

GMA Logo christian antolin
Source: chrisantol/IG

Photo Inside Page


Photos

christian antolin



Hindi maipagkakaila na malaki ang kinikita at naiipon ng mga content creator sa paggawa ng kani-kanilang contents at videos. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay nakakapagpundar at nakakapag-invest na dahil sa kanilang ginagawa.

Sa latest episode ng Update with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ng content creator na si Christian Antolin kung anu-ano na ang mga naipundar niya bilang isang content creator.

Ayon kay Christian, isa sa mga naipundar niya ay bahay para sa kaniyang mga magulang sa Zambales. Ayon pa sa content creator, naipa-bless na nila ito kailan lang, at sinabing marami na rin siyang naipatayo.

“Mostly ng mga na-invest ko po ay sa real estate, may mga nabili po akong condo, condominiums. Tatlo, may tatlo,” aniya.

Mahilig din umano si Christian sa paintings kaya naman, isa ito sa mga naging investment niya.

Pakinggan ang buong panayam niya sa Update with Nelson Canlas podcast dito:

Bagamat malaki ang kita sa pagiging isang content creator, ipinaalala ni Christian na hindi ito dapat ang maging motivation ng paggawa ng content.

“'Pag papasok kayo ng pagiging as a content creator, 'wag niyo ipasok agad sa utak niyo yung pera. Dumaan din ako sa proseso ng out of boredom, gawa lang, for fun lang, saya-saya lang, enjoy-enjoy lang. Hanggang sa mamaya, hala may gusto na magpa-promote. May gusto na magpaganiyan,” sabi niya.

Pagpapatuloy ni Christian, “Doon na nagsimula, hanggang sa sabi ko naiisip ko, doon ko na rin na-realize, after few months sabi ko, ay may pera pala dito.”

Tingnan ang iba pang content creators at ang mga naipundar nila rito:


Camille Co 
Baninay
Bawal Judgmental
Bont Bryan
Restaurant
Christian Merck Grey
Christian Bahay
Anna Cay 
Forever home 
Caffey Namindang
Caffey's house
Lloyd Cadena
Death
Wil Dasovich
New condo unit
Ranz Kyle
Dream car
JaMill
House tour
Mimiyuuuh
House and car 
David Guison
David's investment
Lincoln Velasquez
Lincoln Navigator
Viy Cortez
Family home
Benedict Cua
Condo
Anne Clutz
Business
Zeinab Harake
House
 Kimpoy Feliciano
Kimpoy assets
Laureen Uy
Laureen dream
 Jiji Plays
Eat Bulaga
Kimpoy vacation house
Tagaytay
Sachzna Laparan
Sachzna as CEO

Around GMA

Around GMA

2025 in Philippine sports: Triumph, breakthroughs, and historic moments
Rizal's 129th death anniversary remembered
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026