Isko Moreno, bumisita kay Doc Willie Ong sa Singapore

GMA Logo Celebrities hospitalized this 2024
PHOTO SOURCE: Sparkle

Photo Inside Page


Photos

Celebrities hospitalized this 2024



Inilahad ni Isko Moreno na bumisita siya sa cardiologist at online health personality na si Doc Willie Ong.

Si Doc Willie ay napabalita kamakailan lang na na-diagnose ng cancer. Sa kaniyang vlog ay ikinuwento niyang may natagpuang tumor na tinatawag na sarcoma sa kaniyang abdomen.

Dahil dito ay nagpasiya si Doc Willie na pumunta sa ibang bansa para sa chemotherapy.

Isa sa mga bumisita kay Doc Willie ay ang dating Manila mayor at Sparkle talent na si Isko Moreno.

Sa pamamagitan ng Sparkle, ibinahagi ni Isko ang muling pagkikita nila ni Doc Willie, na naging running mate niya noong nakaraang 2022 presidential elections.

"Nagkita kami kanina here in Singapore. Mahina pa and marami pang chemo sessions ang gagawin."

Isko Moreno and Doc Willie Ong

PHOTO SOURCE: Sparkle

Isang mensahe rin daw ang ipinaabot ni Doc Willie sa mga Pilipino.

"Message n'ya na mahal daw nya mga kababayan natin Pilipino, hanggat malakas s'ya, hindi daw s'ya titigil ng pagtulong sa taong bayan at sa bansa hanggang sa dulo."

SAMANTALA, NARITO ANG CELEBRITIES NA NAGKAROON NG HEALTH CONCERNS NGAYONG 2024:


Arnold Clavio
Arnold's comeback
Darren Espanto
Darren update 
Julie Anne San  Jose
Julie Anne's health
Jessa Zaragoza
Jessa's update
Zsazsa Padilla
Zsazsa health
Iza Calzado
Iza's realization

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties