Ivana Alawi, nagsalita tungkol sa umano'y pakikipagrelasyon niya sa may asawa

Hindi napigilang tumawa at manggigil ang actress-influencer na si Ivana Alawi nang pag-usapan ang ilan sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kaniya.
Sa isang lie detector vlog sa kaniyang YouTube channel, nagsalita si Ivana ukol sa ilang isyu na aniya'y matagal nang kumakalat online. Kabilang na ang akusasyong nanira siya ng pamilya o naging kabit.
Mariin niya itong itinanggi, at pinatunayan ng lie detector na totoo ang kaniyang sagot.
"Hindi ako pinalaking manira ng pamilya," kinlaro niya. "I respect [the] family kasi kami nga, broken family. Ano 'to ta's maninira ako ng family? Siraulo ka pala. Okay."
Agad pinansin ng netizens ang pahayag ni Ivana lalo't kasunod ito ng muling pag-ugong ng isyung umano'y relasyon nila ni Bacolod Representative Albee Benitez.
Noong May 29, lumabas ang balitang nagsampa ng reklamo ang asawa ni Albee na si Dominique “Nikki” Benitez dahil sa umano'y paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Nakasaad sa reklamo ang alegasyon ng “infidelity” o pakikiapid at “implied admissions of his current illicit relationship with Ivana Alawi.”
Matatandaang noong 2024, kumalat online ang isang video kung saan makikitang magkasama sina Albee at Ivana sa isang airport abroad.
Ngunit nilinaw ito ni Albee sa isang pahayag, “I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.
“Speculations involving Ms. Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter."
Humingi pa ng katapawaran si Albee sa pamilya ni Ivana sa gulong dala ng kaniyang isyu.
“There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them."
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA CELEBRITY COUPLES NA NAGHIWALAY DAHIL SA THIRD PARTY














