Iza Calzado finally speaks about her mother's death

GMA Logo Iza Calzado
Source: missizacalzado/IG

Photo Inside Page


Photos

Iza Calzado



“I lost my mother. She died by suicide.”

Sa ganiyang paraan binuksan ng aktres na si Iza Calzado ang usapan tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ina nang bumisita siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, February 25.

Taong 2019 nang unang ipaalam ni Iza ang totoong ikinamatay ng kaniyang ina na si Mary Ann na pumanaw noong 2001. Sa naturang Afternoon Prime talk show, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung wala na bang nararamdaman na takot ang aktres nang una niya itong ibahagi.

Pag-amin ng aktres, “I think nu'ng 2019, 'di na ako ganu'n katakot kaya ako nagsalita na at I was in a better place to share it, and it was the best, I guess the best way to share it.”

Inamin ni Iza na naging mahirap ang pinagdaanan niya noon. Sa katunayan, natakot din siyang malaman ng ibang tao ang totoong ikinamatay ng kanyang ina dahil hindi umano “widely understood unti now, or accepted” ang pagkitil sa sariling buhay.

Kuwento pa ni Iza, isang dahilan kaya wala siyang lakas ng loob noon, “I was new in the industry. What do you see? How do you see that? I didn't, in the beginning, want to build a name based on that 'cause you will be branded as that. That was to be your story. Nanay niya ay...”

Tuwing tinatanong siya noon kung nasaan ang nanay niya, sinasabi lang umano ni Iza na pumanaw na ito, ngunit hindi nagbibigay ng detalye.

“And they were always free to assume whatever they wanted,” sabi ng aktres.

Inamin din ni Iza na isa sa mga takot niya ay kung papaano siya maaapektuhan ng pagkamatay ng kaniyang ina, lalo na at bata pa lang ay nakita na niya ang laban nito sa sakit na cancer.

“I mean my mother was sick. She was bipolar, she battled with this since I was a child. Bata pa lamang po ako ay nakikita ko na ang laban ng nanay ko. Dilim, ilaw. Dilim, ilaw,” pag-alala ng aktres.

Saad pa ni Iza, “I didn't understand the way I understood now but I had to face it, day in and day out. At marami siya... it comes with a lot of things, Tito Boy.”

Ngayon, masasabi umano ng aktres na naging mas matatag na siya dahil sa mga naranasan niya sa buhay.

“Talking about narratives that we put in our heads, I really chose to believe that I would do everything I can to have a better path than my mother, whatever that takes and it takes a lot of work, Tito Boy,” ani ng aktres.

Ngunit pag-amin ng aktres ay tao lang siya at minsan nananalo pa rin ang kaniyang mga pangamba.

“Lahat tayo, we fight with our own demons inside. It's a war that happens inside us and lagi ko lang kinakapitan 'yung light because we are all in need of light. Kaya laban talaga, laban nga,” sabi ni Iza.

Samantala, isa na ring ina si Iza Calzado ngayon. Tingnan ang inspiring motherhood journey as a first-time mom ng aktres sa gallery na ito.


Childbirth
Deia Amihan
Family
Mother's Day
Reality
Life
Family activity
Meet the family
Mom and Dad
Summer
Mother and daughter
Work
Celebration
Happy baby
Motherhood
4th month
6th month
Mom and Baby moments
Iza's birthday
Sitting

Around GMA

Around GMA

China not a 'benign, cuddly panda' in WPS disputes — PH envoy
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025