Jackie Lou Blanco, hindi sinabi kay Ricky Davao ang pagpanaw ni Pilita Corrales

Hindi na ipinaalam ni Jackie Lou Blanco kay Ricky Davao ang pagkamatay ni Asia's Queen of Songs Pilita Corrales.
Sa pagbisita ni Jackie Lou sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 13, binalikan ng aktres ang pagpanaw ng kaniyang ina na si Pilita, at ng dating asawa na si Ricky. Pag-amin ng aktres, noong una ay pinag-iisipan niya kung sasabihin ba sa dating asawa ang nangyari kay Pilita, lalo na at close ang dalawa.
“In the beginning, I was thinking, should we tell him? But my kids were saying, 'Mom, no na lang. He'll feel bad pa. 'Wag na lang.' So, we didn't,” sabi niya.
Dagdag pa ng aktres, napagdesisyunan nilang 'wag nang sabihin dahil baka maging “too much” na para kay Ricky ang balita, lalo na at malapit ang dalawa sa isa't isa kahit pa nagkahiwalay na sila.
“When Ricky and I got separated, 'yun 'yung hindi nawala, my mom's love to Ricky and Ricky's love to my mom. It was always there, and that's such a blessing to have that,” sabi ni Jackie Lou.
Sa pagpanaw nina Pilita at Ricky, biro ni Jackie Lou ay matutuloy na ng dalawa ang kanilang duet kapag muli silang nagkita.
“Since nauna si mom, pagdating ni Ricky sa langit, sasabihin ni Ricky sa langit, 'Oh, mamita! Nandito ka!' Sasabihin ni mamita, 'Oh!' Ta's sasabihin ni Ricky, 'Oh! Kanta tayo!' Sasabihin ng mommy ko, 'Hanggang dito ba naman, Ricky, mag-du-duet pa tayo?'” sabi ng aktres.
Aminado si Jackie Lou na hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkawala nina Pilita at Ricky ngunit unti-unti na nila itong natatanggap.
“By God's grace, by God's love, I take it a day at a time which is the same thing I tell my children. 'Let's take it a day at a time, there will be a day when we're okay, the next day, we're ot okay, and it's okay,'” sabi ni Jackie.
Panoorin ang panayam kay Jackie dito:
Matatandaang pumanaw si Pilita noong April 12 sa edad na 85, at pagkalipas ng 20 araw ay pumanaw naman si Ricky sa edad na 62.
BALIKAN ANG PAGLULUKSA NG ILANG CELEBRITIES SA PAGPANAW NI RICKY DAVAO SA GALLERY NA ITO:











