Fast Talk with Boy Abunda
Jake Cuenca: 'Hindi lumaki ang ulo ko because of how I started in GMA'

Kilala bilang isa sa mga pinakamagagaling na aktor si Jake Cuenca. Sa katunayan, ilang beses na niya ito napatunayan sa pamamagitan ng acting awards na natanggap niya, kabilang ang dalawang international trophies.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 28, ibinahagi ni Jake na nakuha niya ang simula ng kaniyang karera sa GMA Network. Bukod kasi sa dito niya nakuha ang introduction niya sa industriya, sa naturang network din niya nakuha ang unang TV project niya.
Alamin ang pagbabalik-tanaw ni Jake sa kaniyang panahon sa GMA Network sa gallery na ito:









