Janno Gibbs, Melissa Gibbs, inalala si Ronaldo Valdez sa kaniyang ika-77 na kaarawan

Inalala ni singer-actor Janno Gibbs at kaniyang kapatid at kapwa singer at aktres na si Melissa Gibbs ang kanilang yumaong ama at beteranong aktor na si Ronaldo Valdez sa ika-77 kaarawan niya sana nitong November 27.
Sa Instagram muling ibinahagi ni Janno Gibbs ang cover nila ng "Just the Two Of Us." Kasama sa video ang ilang litrato nilang mag-ama.
“Happy [Birthday] Papa! Miss you always,” caption ni Janno sa kaniyang post.
Nagbahagi rin ang kapatid niyang si Melissa sa Instagram Stories ng isang litrato kung saan makikitang yakap siya ni Ronaldo noong bata pa.
Caption ni Melissa sa kaniyang post, “Happy birthday papa. I wish I could hug you like this today.”
Source: melissagibbspabs/IG
Bukod kina Janno at Melissa, bumati rin ang aktres at asawa ng aktor na si Bing Loyzaga at anak nilang si Alyssa kay Ronaldo na tinawag nilang Pepe.
“Cheers Pepe on your birthday! Miss you,” Ani Bing sa kaniyang post.
Caption naman ni Alyssa, “Happy Birthday, Pepe. We miss [you] so much.”
Sources: bingloyzaga/IG, chiiloyzagagibbs/IG
Matatandaan na natagpuan si Ronaldo Valdez na wala nang buhay sa kaniyang kwarto noong December 17, 2023.
Ilan sa mga hindi malilimutang pagganap ng dating aktor sa maraming classic at modern Filipino films ay Labs Kita, Okey Ka Lang? at Seven Sundays.
BALIKAN ANG ILAN SA MOST MEMORABLE ROLES NI RONALDO SA GALLERY NA ITO:

























