Jasmine Curtis-Smith, alay ang pagsayaw sa 'Stars on the Floor' sa kaniyang ama

Sa kabila ng hirap, pagod, at sakit na nararanasan ni Jasmine Curtis-Smith sa Stars on the Floor, ang alala umano ng kaniyang yumaong ama na si James Curtis-Smith ang nagtutulak sa aktres para ipagpatuloy ang laban.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong April 13, inamin ni Jasmine na malaking tulong ang trabaho niya ngayon para maka-cope sa pagpanaw ng ama nila ni It's Showtime host Anne Curtis. Kabilang na rito ang reality dance competition na Stars on the Floor.
Binalikan ni Jasmine kung gaano kadisiplinado, detalyado, at handa ang ama nila sa trabaho nito bilang isang lawyer, bagay na sinasabuhay rin niya.
“Ako, pagdating sa approach ko sa trabaho ko, ganu'n din as much as possible; disciplined on time kung kakayanin with our traffic, but prepared as much as possible. I always like to be prepared,” sabi ni Jasmine.
Pag-amin ni King of Talk Boy Abunda, nakasentro sa kaniyang nanay ang lahat ng desisyon niya, at tinanong si Jasmine kung ganu'n din ba ito. Alamin ang sagot ng aktres sa gallery na ito:









