Jean Garcia, naglabas ng saloobin kapag may co-star na ayaw magpasampal

Ramdam ang matinding presence ni Jean Garcia bilang Aurora Palacios nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, July 4.
Bumisita sa high-rating afternoon showbiz talk show si Jean para i-promote at ibahagi ang karanasan niya sa taping ng trending GMA Prime series na Widows' War.
Dito, natanong siya ni Boy Abunda kung paano niya hinaharap kapag may ka-eksena siyang ayaw magpasampal.
Lahad niya, “Ako, tatanungin ko, 'Gusto mo bang totoo or hindi?'" 'Pag sinabi niyang hindi, sabihin ko sa kaniya, kausapin mo yung director natin kung papayag siya. So, kailangan may pag-uusap . Sa akin, walang problema. Kung ayaw po niya magpasampal, okay lang din sa akin. Basta bahala na siya dun sa reaction niya. Medyo mahirap yun, ire-react na hindi ka naman nasampal. Baka kasi, makatulong kung medyo masaktan ka naman kahit papaano. Pero kung ayaw naman irerespeto po natin 'yun.”
Ano kaya ang tingin niya sa pagkakaiba ng co-actors niya na sina Bea Alonzo at Carla Abellana?
Alamin ang naging sagot ni Aurora sa gallery na ito!
Mapapanood ang matitinding tanungan sa 'Fast Talk with Boy Abunda' (FTWBA), weekdays sa bago nitong oras na 4:00 p.m..








