Jennylyn Mercado, nananatiling Kapuso

Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas at nananatiling loyal Kapuso ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. Ito ay matapos siyang mag-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network.
Sa ginanap na contract signing ceremony ngayong Martes, January 21, binati ng GMA top executives si Jennylyn na homegrown talent ng Kapuso network.
Dumalo sa event si GMA Network President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Network Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, at Aguila Entertainment Chief Executive Officer Katrina Aguila.
Present din ang iba pang GMA executives at officers para magpakita ng suporta sa Ultimate Star sa kanyang contract renewal.
Mula sa pagiging StarStruck Ultimate Female Survivor, kinikilala ngayon si Jen bilang isa sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon.
Related gallery: Jennylyn Mercado's showbiz career through the years
Sa kanyang muling magpirma ng kontrata sa kanyang home network, aabangan ang Kapuso star sa mga bagong proyekto na lalong magtatampok ng kanyang talento.
Kabilang na riyan ang movie comeback niya na Everything About My Wife, na collaboration project ng GMA Pictures at CreaZion Studios, kasama ang Glimmer Studios.
May nakalinya na ring GMA Prime project si Jen kasama ang kanyang mister at 50th MMFF Best Actor na si Dennis Trillo.
Sa loob ng dalawang dekada, pinatunayan ni Jennylyn ang kanyang pagiging loyal Kapuso dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho.
At sa bagong chapter na ito ng kanyang career, asahan na patuloy siyang maghahandog ng stellar entertainment kasama ang GMA.







