Jesi Corcuera gives birth to a baby girl

Ipinanganak na ng transman at dating StarStruck alumna na si Jesi Corcuera ang kaniyang healthy baby girl!
Ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda ang magandang balita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, December 11.
“We did an interview a couple of months ago with Jesi Corcuera at siya ay nagsilang na po ng baby girl,” sabi ni Boy sa kaniyang programa.
Pahabol ng batikang host, “Congratulations!”
Sa Instagram ay nag-post si Jesi ng kaniyang litrato karga ang kaniyang baby. Sa isa pang story, makikita naman sa looping video ang nakatagong mukha ng kaniyang baby na umiinom ng gatas.
Muli, Congratulations, Jesi!
RELATED CONTENT: Jesi Corcuera then and now









