Jesi Corcuera, kilala ang sperm donor ng kanyang anak

Photo Inside Page


Photos

jesi corcuera



Masayang ipinagbubuntis ngayon ng Starstruck alumnus at transman na si Jesi Corcuera ang kanyang unang anak.

Pitong buwan na ang dinadala sa kanyang tiyan, na nabuo sa pamamagitan ng artificial insemination.

Sa kanyang panayam kasama si Lhar Santiago, ibinahagi ni Jesi ang kanyang kasiyahan na magkaroon ng sariling anak.

"Na-feel ko naman siya noong nag-positive na ako sa pregnancy test pero since day 1. Noong nabuo na siya, halos hindi ko maipaliwanag 'yung feeling. Mixed emotions po talaga, pero nangingibabaw 'yung masaya ako kasi alam kong after nine months, meron nang little Jesi," pahayag niya.

Kuwento rin ni Jesi na nais niyang tawagin siyang papa ng kanyang anak, tulad ng tinatawag sa kanya ng mga anak ng kanyang partner na si Camille.

"For sure 'yung generation naman ngayon mabilis na maintindihan ng mga bata, what more pa sa susunod pang mga generation niya," paliwanag niya.

Nang tanungin ni Lhar tungkol sa sperm donor ng anak ni Jesi, sinabi ng Starstruck alumnus na kilala niya at nakakausap pa niya ito. Isa raw itong foreigner na nakabase sa Pilipinas.

Kung tanungin ng kanyang unica hija kung paano siya ipinanganak, handa raw si Jesi na ikuwento ito sa kanya.

"Hindi ko pa siya naisip ngayon, parang more on gusto ko munang mag-focus sa amin dalawa, sa amin ng family namin ni Camille. So. doon muna siguro pero kung kukuwestunin niya in the future, well, willing naman akong ipakita sa kanya and explain sa kanya kung paano 'yun naging proseso kasi mas maganda pa rin na alam niya," sabi niya.

Ngayon, focused muna sa pagbubuntis si Jesi at naghahanda na rin siya makilala ito sa mga susunod na buwan.

Kuwento ni Jesi, nagdesisyon siya na magkaroon ng sariling anak dahil nais niyang maging isang magulang tulad ng kanyang partner na si Cams.

Samantala, narito ang ilang celebrities na biniyayaan ng anak sa pamamagitan naman ng in vitro fertilization:


Joel Cruz
Joel's IVF journey
Eight children, four sets of twins
Dr. Vicki Belo and Hayden Kho
American-Mexican
Scarlet Snow Belo
Korina Sanchez and Mar Roxas
Pittsburg, Pennsylvania
Pepe and Pilar
Beth Tamayo
Pregnant at 43
August 2021
Divine Lee and Blake Go
Basquiat Delfin Lee Go
Blanca Dietrich
Dalida Bader Lee Go
Alice Dixson
Surrogate mother

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage