Jillian Ward, bakit ibinenta ang mga sasakyan?

Mas wais na sa paggastos.
Ito ang sinabi ng Star of the New Gen na si Jillian Ward nang makapanayam ng GMANetwork.com sa online media conference ng new season premiere ng Daig Kayo Ng Lola Ko, kahapon October 4.
Bibida ang Sparkle beauty sa sa superhero story na "Captain Kitten." Ilan sa makakasama niya dito ay sina Gabby Eigenmann, Shuvee Etrata, Angela Alarcon, Archie Alemania, at Kim Perez.
Sa panayam niya sa GMANetwork.com, ibinahagi ng 18-year-old actress na nagbenta siya ng ilan sa kaniyang mga sasakyan para sa isang big investment.
Lahad ni Jill, “Well, sa totoo lang po dati, medyo magastos po ako. Kumbaga mero'n pong endorsements 'tapos bibili po ako ng car.”
“Pero ngayon po na mas marami na po ako nakakasalamuha, medyo mas nagiging mature na po naisip ko na po 'yung long-term. Actually, ibinenta ko na po 'yung ibang mga cars ko at kapalit po nun, bumili ako ng lote.”
Dagdag pa ng Abot-Kamay Na Pangarap star na dapat ay hindi masayang ang lahat ng pinagpaguran niya sa loob ng 13 years sa show business.
“Sini-secure ko na rin po 'yung future ko. Mas naging future-oriented na po talaga ako, kasi iniisip ko po 13 years na po ako nagwo-work, since baby pa po ako so sayang naman kung parang hindi ko po maalagaan 'yung mga earnings.” ani Jillian.
“Sina Mama at Papa, nandidiyan po sila. Gina-guide po nila ako. So, ayun lang po mas medyo careful po ako ngayon.”
Mark you calendars for the magical comeback ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sabado Star Power sa gabi sa oras na 6:15 pm, ngayong October 7.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG SASAKYAN NG CELEBRITIES SA GALLERY SA IBABA.




















































































