Jillian Ward, binansagang 'Pambansang Fiancée' ng netizens

Bukod sa pagte-taping bilang si Doc Analyn sa Abot-Kamay Na Pangarap, abala rin si Jillian Ward sa pagbisita sa iba't ibang lugar sa bansa.
Kamakailan lang, nagsunud-sunod ang motorcade ni Jillian.
Kabilang na sa mga ito ang pagpunta niya sa Navotas at Guiguinto, Bulacan.
Sa dalawang lugar na ito, ilang mga kunwaring marriage proposal ang natanggap ni Doc Analyn mula sa kanyang fans.
Silipin ang nakakakilig na mga proposal ng fans kay Jillian sa gallery na ito.









