GMA Logo jillian ward
Courtesy: jillianwxrd (TikTok)
What's Hot

Jillian Ward, nakatanggap ng marriage proposal sa Navotas

By EJ Chua
Published January 18, 2024 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Pinagkaguluhan si Jillian Ward ng kanyang fans sa Navotas!

Isa si Jillian Ward sa inabangang guest celebrities sa katatapos lang na pagdiriwang para sa Navotas Day.

Sa naturang event, hindi maikakailang napakaraming Pinoy ang talaga namang nag-abang sa pagbisita ni Jillian sa Navotas City.

Pinagkaguluhan ng kanyang fans ang tinaguriang Star of the New Gen habang isinasagawa ang motorcade sa ilang bahagi ng lungsod.

Agaw-pansin ang isang lalaking fan na nagsagawa ng kunwaring wedding proposal para kay Jillian.

Habang buhat ng kanyang mga kaibigan, game na game na nag-propose ang lalaki habang dumadaan ang sasakyan kung nasaan si Jillian. Ang ilang kasama ng lalaki, mayroong hawak na karatula na mayroong nakasulat na, “Doc Analyn, will you marry me?”

Sa video na in-upload ng Kapuso star sa TikTok, mapapanood ang witty proposal, kung saan ang engagement ring na natanggap ng una ay isang bakal.

@jillianwxrd

May kalawang pa eh

♬ yes, and? - Ariana Grande

Ang video na ito ay mayroon na ngayong 3 million views sa video-sharing app na TikTok.

Sa comments section nito, mababasa ang positive comments ng netizens tungkol sa nakakatuwang naging reaksyon ni Jillian tungkol sa proposal.

Ang Sparkle star ay kasalukuyang napapanood bilang isa sa lead stars ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilalang-kilala siya sa serye bilang si Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa na mayroong mabuting puso.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: