Josh Ford at Kira Balinger, nagkakamabutihan na?

Isang emosyonal at makabuluhang hapon ang pinagsaluhan ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Josh Ford at Boy Abunda nitong Lunes, May 19, sa Fast Talk with Boy Abunda.
Binalikan ng Survivor Lad ng United Kingdom ang kaniyang naging experience at mga natutuhan sa loob ng Bahay ni Kuya, pati na rin ang kaniyang tila umuusbong na relasyon sa ex-housemate na si Kira Balinger.
Matapang ding sinagot nito ang mga katanungan sa kaniyang naging alitan kay Vince Maristela.
Samantala, emosyunal namang ibinahagi ni Josh ang katayuan ng kaniyang puso at isip ngayon, matapos ang trahedyang kinasangkutan kasama ang mga matalik na kaibigan,dalawang taon na ang nakaraan.
Balikan lahat ng iyan sa gallery na ito:














