Josh Ford, Xyriel Manabat attend Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Ikinasal na ang longtime couple na sina Kiray Celis at Stephan Estopia.
Related gallery: Kiray Celis and Stephan Estopia's sweetest moments
Spotted sa kanilang big day ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina " target="_blank">Josh Ford at Xyriel Manabat.
Sa Instagram Stories, isang video ang in-upload ni Josh, kung saan makikita ang kiss the bride moment nina Kiray at Stephan.
Sulat niya, “Congratulations to the newlyweds @kiraycelis @stephan.estopia.”
Sa hiwalay na story, makikita naman ang photo ni Josh kasama si Xyriel.
Matatandaang naging co-star ni Kiray si Josh sa previous series nina Marian Rivera at Gabby Concepcion na My Guardian Alien.
Dumalo rin sa wedding nina Kiray at Stephan ang A-list Kapuso actress na si Marian.
Samantala, silipin ang mga naganap sa kasalang Kiray Celis at Stephan Estopia sa gallery na ito.










