Joshua Garcia shares some snaps from the set of drama series 'Unbreak My Heart'

Kasunod ng pagsisimula ng drama series na Unbreak My Heart, ilang larawan ang ibinahagi ng isa sa lead stars nito na si Joshua Garcia.
Sa Instagram stories, makikitang in-upload ni Joshua ang ilang behind-the-scenes photos na nakuhanan mula sa set ng biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu.
Kabilang na rito ang ilang larawan niya kasama ang kanyang co-lead stars at leading ladies sa serye na sina Gabbi Garcia at Jodi Sta. Maria.
Mapapansin sa ilang larawan na hindi na lang basta magkakatrabaho ang turingan nila sa set kundi para na rin silang isang pamilya.





