Juan Karlos Labajo, nais na magkaayos sila ng nakaalitan noon

Kahit ilang taon nang nangyari, gusto pa rin ng singer at actor na si Juan Karlos “JK” Labajo na magkaayos sila ng kapwa artist at dating kaibigan na nakaalitan niya noon.
Sa vlog ng talent manager at entertainment columnist na si Ogie Diaz, binalikan ni JK na meron siyang mga naranasan kung saan lumaki ang isang stiwasyon tungkol sa kaniya na wala naman siyang ginagawa o kinalaman.
“That person thought I do because mas naniwala siya sa mga sinasabi ng ibang tao kesa sa sariling kaibigan niya,” sabi ni JK.
Aniya, huli na kung ngayon pa siya magpapaliwanag tungkol sa nasabing issue lalo na at wala naman talagang naniwala sa kaniya noong una itong mangyari. Paliwanag pa ni JK, hindi na lang siya magsasalita dahil alam niyang iisipin lang naman ng mga tao na defensive siya at sinungaling.
Tinanong rin ni Ogie na kung sa tingin ba niya ay magkakabati pa sila ng taong nakaalitan niya, nang hindi nagbabanggit ng pangalan.
Ang sagot ni JK, “Oh, definitely. I mean, that kind of conversation, we have a lot of mutual friends and ako, ever since, from my perspective, I already forgave on what I can forgive."
Ngunit pag-amin ng singer at actor, ang masakit sa nangyari para sa kaniya ay hindi man lang siya kinausap ng kaniyang dating kaibigan, lalo na at hindi naman siya ang may kagagawan ng kanilang pinag-awayan.
“Before the whole thing blew up, I messaged this person directly. Like 'Hey, just want to let you know, this is not this, I didn't do this, I didn't do that,'” sabi ni JK, ngunit aniya, hindi ito naniwala.
“'Tapos doon na nangyari 'yung sumagot na siya sa ano. 'tapos ako naman, siyempre, bilang isang matapang na Bisaya, parang 'A, sige, sagot na rin ako online,'” pagpapatuloy ng singer-actor.
Pagpapatuloy pa ni JK, masakit din para sa kaniya na pinalabas siyang homophobic lalo na at lumaki siyang may kasamang gay family member.
“I grew up with my gay family member, listening to Mariah Carey. The first language of love that I knew was that. And ever since I was a kid, that was something I never questioned. I don't have my opinion because I really don't care in sense na whoever you are, go. Kung saan ka masaya, push! Kasi that was never the issue to begin with e,” sabi ng singer.
Pero pag-amin ni JK, naiintindihan niy ang sakit na pinagdaanan rin ng taong ito dahil sa nangyari.
“I also wish for reconciliation and everything kasi at the same time, it's a small world and ever since I got here, that person I've always seen as my sibling,” sabi niya.
Samantala, narito ang ilang celebrities na nagkaayos matapos ang matagal na hidwaan:













































