Relationship

Julie Ann San Jose, na-trauma sa kanyang 'first love'

GMA Logo Celebrity Ex Couples

Photo Inside Page


Photos

Celebrity Ex Couples



Usap-usapan sa social media ngayon ang naging pahayag ni Julie Anne San Jose tungkol sa kanyang first love. Nabanggit niya ito sa kanyang sa guest appearance sa online show na Trggrd! sa celebrity channel na Adventure.Taste.Moments (ATM).

Dito, binalikan ni Julie ang trauma sa kanyang mga nakarelasyon, na nagkaroon ng malaking impact sa kanya.

Pagbunyag ni Julie, "There was someone na talagang like, 'di ko ma-explain e, naaning talaga ako."

Ayon pa sa Limitless Star, maging ang kanyang ngayo'y nobyo at kapwa The Clash Teens host na si Rayver Cruz ay alam ang kanyang pinagdaanan sa taong iyon.

"Alam naman 'to ni Ray, alam naman n'ya lahat, wala naman akong tinatago sa kanya. Actually, 'pag may mga heart problems ako, s'ya lagi yung person to confide with ko. Kahit no'ng tropa pa kami, alam n'ya yan."

Sabay takip si Julie sa kanyang bibig nang pangalanan niya ang lalaking nanakit sa kanya.

Sa palagay niya, hindi nito priority na pumasok sa commitment noong panahong iyon kaya hindi ito umunlad sa isang relasyon.

Paliwanag ng aktres, "Maybe dahil mga bata pa kasi kami no'n and then, we both had the peak of our careers kasi I was with [a loveteam] kasi parang inaway-away kasi s'ya [ng fans] ata. Parang naging factor din yun na ano 'to, career muna ako siguro ganyan. Though we had a good thing."

Dagdag pa ni Julie, tanging ang current boyfriend niyang si Rayver ang nagustuhan ng kanyang mga magulang para sa kanya.

Panoorin ang panayam dito:

Agad namang iniugnay ng mga manonood ang pahayag ni Julie Anne kay Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Muli ring lumabas online ang guest apperance ng Code Grey actor sa Fast Talk with Boy Abunda noong January 2023, nagsalita si Alden tungkol sa naunsyaming relasyon nila ni Julie.

Sabi ni Alden kay Julie, “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Bagamat hindi ini-reveal kung sino ang nasabing first love ni Julie sa panayam niya sa Trgggrd!, naniniwala pa rin ang netizens na si Alden ang kanyang pinatutungkulan.

Ito ay matapos niyang sabihin na nais umano nito na mag-focus muna sa kanyang career, bagay na sinabi rin ni Alden sa kanyang interview kay Tito Boy.

“It was my fault po, Tito Boy,” ani Alden. “I decided to focus na lang talaga sa work.”

Samantala, may ilan ding haka-haka na si Benjamin Alves, na nakarelasyon nang mahigit dalawang taon ni Julie, ang tinutukoy ng aktres.

Panoorin ang panayam ni Alden sa Fast Talk With Boy Abunda:

Samantala, bukod sa The Clash Teens, napapanood si Julie sa weekly musical variety show na All-Out Sundays. Nakatakda rin siyang magbalik bilang coach sa The Voice Kids para sa bagong season nito na ipapalabas ngayong taon, kasama ang mga bagong coach na sina Yeng Constantino at Gloc-9.

Related gallery: Surprising Celebrity Ex-Couples You Didn't Know About


Boy 2 Quizon and Rufa Mae Quinto
Keempee de Leon and Manilyn Reynes
Troy Montero and Nikki Valdez
Solenn Heussaff and Derek Ramsay
Diego Loyzaga and Sofia Andres
Jake Cuenca and Lovi Poe
Enrique Gil and Coleen Garcia
JC Intal and Carla Abellana
James Reid and Ericka Villongco
Nico Salva and Megan Young
Rachelle Ann Go and Gab Valenciano
JC De Vera and Michelle Madrigal
Rocco Nacino and Sheena Halili
Oyo Boy Sotto and Nadine Samonte
Richard Gutierrez and Jewel Mische
Benjamin Alves and Pia Wurtzbach
JM de Guzman and Jessy Mendiola
Xian Lim and Erich Gonzales
Robin Padilla and Sharon Cuneta
Christian Bautista and Carla Dunareanu
Marvin Agustin and Pauleen Luna
KC Montero and Rhian Ramos
John Prats and Bianca Manalo
Christian Bautista and Rachelle Ann Go
Miguel and Barbie
Ashley Ortega and Juancho Trivino

Around GMA

Around GMA

BSP, PPMI roll out Direct Debit PH, expand InstaPay
Iloilo students found with bladed weapons; claim self-defense
Makati's Problem Child is PH's best bar for 2026