News
Kapuso Stars at GMA Pictures, pinarangalan sa 41st PMPC Star Awards for Movies

Pinatunayan muli ng ilan sa mga talento ng GMA Network ang kanilang husay at galing matapos umani ng mga parangal sa katatapos lamang na 41st PMPC Star Awards for Movies.
Nagningning ang mga tinitingalang pangalan sa industriya sa prestihiyosong event na ito na idinaos sa Makabagong San Juan Theater sa San Juan City.
Ang Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pamamagitan ng Star Awards, ay patuloy na nagpapahalaga sa misyon nitong kilalanin ang artistry, dedikasyon, at matinding paggawa ng mga filmmakers, aktor, at propesyonal sa industriya.
Narito sa ibaba ang ilan sa mga Kapuso na nagwagi sa 41st PMPC Star Awards for Movies.





